Pages

Tuesday, September 20, 2011

Sam Pinto's beauty secrets




Tila walang hirap na napanatili ni Sam Pinto ang kanyang kagandahan kahit na magdamagan ang shooting niya para sa pelikulang Si Agimat at si Enteng Kabisote, na entry para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Biro ni Sam, hindi naman siya tinutubuan ng pimples kaya okay lang sa kanya ang nakakapagod na taping. Ayon kay Sam, tulog lang daw ang katapat ng pimples. "Kasi kung puyat lagi, yun ang nagko-cause ng pimples, e. So for me, sleep lang talaga."

Dapat din daw gumamit ng sunblock. "Kasi skin is very sensitive sa sun. So yun lang." Inirekomenda rin ni Sam ang paggamit ng toner. "Kasi, minsan, hindi pantay yung color ng skin. Yung toner, nagpapantay ng color ng skin. Brand? Actually, any toner will do really."



source: http://www.home-harbor.com/index.php/public-home/3822-home-harbor-sam-pinto-shares-her-beauty-secrets

No comments:

Post a Comment

Subscribe to My Chismis by Email