Pages

Thursday, September 22, 2011

Iringan sa mga jukebox Queen naganap?


Matutuloy na ang Jukebox Queens in Concert nina Imelda Papin, Eva Eugenio, Claire de la Fuente at Leah Navarro sa Mayo 21 sa Los Angeles, California.
Sabi, nagkaroon daw ng problema sa working visa ng apat na diva, kaya naurong ang kanilang series of shows sa Tate.
Ngayon daw ay may working visa na ang mga ito.
Pero ano kaya ‘yung balitang nakarating sa amin na kaya hindi kaagad nakapag-apply noon ng working visa ang apat na singers ay dahil may iringan sa pagitan nilang apat?
Tungkol daw sa billing ang naging problema ng apat.
Dahil daw sa billing, nagka-delay-delay ang papers nilang apat, kaya hindi sila kaagad nakakuha ng appointment sa US Embassy rito sa atin.
Kung totoo mang may intrigahan pa rin kina Imelda, Eva, Claire and Leah, aba, panahon na para ayusin nila ang mga ngitngit na noon pa nila kinikimkim sa kanilang mga kalooban, ‘noh?!

No comments:

Post a Comment

Subscribe to My Chismis by Email